Add parallel Print Page Options

Tandaan ninyo ngayon ang kanyang mga pagtutuwid sa inyo. Alam ninyo ito sapagkat nasaksihan mismo ninyo (hindi tulad ng inyong mga anak na hindi dumaan sa mga ito). Nakita ninyo ang kanyang kadakilaan at kapangyarihan, ang(A) mga kababalaghan, at lahat ng ginawa niya sa Faraon at sa buong Egipto. Nasaksihan(B) din ninyo ang ginawa niya sa buong hukbo ng Egipto pati sa kanilang mga karwahe't kabayo; nilunod sila ni Yahweh sa Dagat na Pula[a] nang kayo'y habulin nila.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 11:4 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .