Add parallel Print Page Options

Nguni't nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ng Panginoon na kaniyang ginawa.

Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, (A)upang kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin;

At (B)upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain (C)na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi (D)na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

Read full chapter