Deuteronomio 13:15-17
Ang Biblia (1978)
15 Iyo ngang susugatan ng talim ng tabak, ang mga nananahan sa bayang yaon, (A)na iyong lubos na lilipulin, at ang lahat na nandoon at ang mga hayop doon ay iyong lilipulin ng talim ng tabak.
16 At iyong titipunin ang buong nasamsam doon, sa gitna ng lansangan niyaon, (B)at iyong susunugin sa apoy ang bayan, at ang buong nasamsam doon, na bawa't putol, ay sa Panginoon mong Dios; at (C)magiging isang bunton ng dumi magpakailan man; hindi na muling matatayo.
17 At (D)huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay: upang (E)talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit, at pagpakitaan ka niya ng kaawaan, at mahabag sa iyo at paramihin ka, na (F)gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978