Font Size
Deuteronomio 16:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 16:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 Huwag(A) ninyong pipilipitin ang katarungan at huwag kayong magtatangi ng tao ni tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid. 20 Katarungan lamang ang inyong paiiralin, at kayo'y mabubuhay nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
21 “Huwag(B) kayong magtatayo ng haligi bilang rebulto ng diyosang si Ashera sa tabi ng altar na gagawin ninyo para kay Yahweh na inyong Diyos.
Read full chapter