Deuteronomio 19:4-6
Ang Biblia, 2001
4 “At ito ang kalagayan ng nakamatay ng tao na tatakas doon at mabubuhay: sinumang makapatay sa kanyang kapwa nang di sinasadya, na hindi niya naging kaaway nang panahong nakaraan;
5 gaya ng isang tao na nagtungo sa gubat na kasama ang kanyang kapwa upang pumutol ng kahoy at itinaas ng kanyang kamay ang palakol upang putulin ang punungkahoy, dumulas ang patalim sa hawakan at tumama sa kanyang kapwa kaya't siya ay namatay, siya ay tatakas sa isa sa mga lunsod na iyon at siya'y mabubuhay.
6 Kung hindi, ang tagapaghiganti ng dugo, samantalang nag-iinit sa galit, ay hahabulin ang nakamatay at aabutan siya, sapagkat ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha, gayong siya'y hindi dapat patayin yamang hindi niya naging kaaway nang panahong nakaraan.
Read full chapter