Font Size
Deuteronomio 19:6-8
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 19:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Kung hindi, ang tagapaghiganti ng dugo, samantalang nag-iinit sa galit, ay hahabulin ang nakamatay at aabutan siya, sapagkat ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha, gayong siya'y hindi dapat patayin yamang hindi niya naging kaaway nang panahong nakaraan.
7 Kaya't iniuutos ko sa iyo, Magbubukod ka ng tatlong lunsod.
8 At kung palawakin ng Panginoon mong Diyos ang iyong hangganan gaya ng kanyang ipinangako sa iyong mga ninuno, at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kanyang ipinangakong ibibigay sa iyong mga ninuno;
Read full chapter