Font Size
Deuteronomio 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 2:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 “At(A) sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Huwag rin ninyong guguluhin o sasalakayin ang mga Moabita sapagkat kapiraso man ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo. Ang lupain ng Ar ay ibinigay ko na sa lahi ni Lot.’”
(10 Ang dating nakatira roon ay ang mga Emita. Marami sila at malalaki ring tulad ng mga higante. 11 Tulad ng mga higante, kilala rin sila sa tawag na Refaim, ngunit Emita ang tawag sa kanila ng mga Moabita.
Read full chapter