Font Size
Deuteronomio 23:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 23:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 “Sinumang(A) Israelita, babae man o lalaki ay hindi maaaring magbenta ng panandaliang-aliw bilang pagsamba. 18 Ang salaping kinita sa ganitong mahalay na paraan ay hindi maaaring ipagkaloob sa bahay ng Diyos ninyong si Yahweh bilang pagtupad sa isang panata. Kasuklam-suklam kay Yahweh ang pagbebenta ng panandaliang-aliw bilang pagsamba.
19 “Huwag(B) kayong magpapautang nang may tubo sa inyong kapwa Israelita, maging pera, pagkain o anumang maaaring patubuan.
Read full chapter