Add parallel Print Page Options

Kung mag-aasawa muli ang babae, at hiwalayan na naman siya ng ikalawa niyang asawa o mamatay ito, hindi na siya maaaring mapangasawang muli ng nauna niyang asawa dahil narumihan na siya.[a] Kung muli siyang mapapangasawa ng nauna niyang asawa, kasuklam-suklam ito sa paningin ng Panginoon. Hindi ninyo dapat gawin ang mga kasalanang ito sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:4 narumihan na siya: Maaaring ang ibig sabihin, nanlalaki na siya.