Font Size
Deuteronomio 27:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 27:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Mga batong hindi tinapyas ang gagamitin ninyo para sa altar at doon ninyo iaalay ang inyong mga handog na susunugin. 7 Dito rin ihahain ang handog na pangkapayapaan at sa harap nito kayo magsasalu-salo sa panahon ng inyong pasasalamat sa Diyos ninyong si Yahweh. 8 At sa ibabaw ng mga batong iyon, isusulat ninyo nang malinaw ang bawat salita ng kautusan ni Yahweh.”
Read full chapter