Add parallel Print Page Options

10 At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan (A)ng pangalan ng Panginoon at sila'y (B)matatakot sa iyo.

11 At ikaw ay pasasaganain ng Panginoon, sa ikabubuti mo, sa bunga ng iyong katawan, at sa bunga ng iyong mga hayop, at sa bunga ng iyong lupa, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang upang ibigay sa iyo.

12 (C)Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang (D)pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram.

Read full chapter