Add parallel Print Page Options

22 Pahihirapan kayo ng Panginoon sa sakit na hindi gumagaling, lagnat, pamamaga, mainit na hangin, mahabang tagtuyot,[a] at peste sa mga halaman hanggang sa mamatay kayo. 23 Magiging parang tanso ang langit na hindi magbibigay ng ulan at ang lupa ay matutuyo at magiging kasintigas ng bakal. 24 Sa halip na tubig ang ibigay ng Panginoon sa inyo bilang ulan, alikabok ang ibibigay niya. Pauulanin niya ng alikabok hanggang sa mamatay kayo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 28:22 mahabang tagtuyot: sa Hebreo, espada.