Font Size
Deuteronomio 3:10-12
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 3:10-12
Ang Biblia, 2001
10 lahat ng mga lunsod sa kapatagan, at ang buong Gilead, at ang buong Basan, hanggang Saleca at Edrei, ang mga lunsod ng kaharian ni Og sa Basan.
11 (Sapagkat tanging si Og na hari ng Basan ang natira sa nalabi sa mga Refaim. Ang kanyang higaan ay higaang bakal; hindi ba't ito'y nasa Rabba sa mga anak ni Ammon? Siyam na siko ang haba at apat na siko ang luwang nito, ayon sa karaniwang siko.[a])
Mga Lipi na Nanirahan sa Silangan ng Jordan(A)
12 “Ito ang mga lupaing ating sinakop nang panahong iyon; mula sa Aroer, na nasa gilid ng libis ng Arnon, at kalahati ng lupaing maburol ng Gilead, at ang mga lunsod nito, ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita;
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 3:11 Sa Hebreo ay siko ng isang lalaki .