Add parallel Print Page Options

10 Nasakop din natin ang mga lunsod sa matataas na kapatagan, ang buong Gilead, ang Bashan, hanggang Salca at Edrei, na pawang sakop ni Haring Og.”

(11 Si Haring Og lamang ang natira sa mga taga-Refaim. Ang kabaong[a][b] niyang bato ay apat na metro ang haba at dalawang metro ang lapad. Ito ay nasa Lunsod ng Rabba, sa lupain ng Ammon, hanggang ngayon.)

Ang mga Liping Nanirahan sa Silangan ng Jordan(A)

12 “Nang masakop natin ang bansang iyon, ibinigay ko sa lipi nina Ruben at Gad ang lupain mula sa Aroer na nasa tabi ng Ilog Arnon, at ang kalahati ng Gilead.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 3:11 kabaong: o kaya'y higaan .
  2. Deuteronomio 3:11 bato: o kaya'y bakal .