Add parallel Print Page Options

20 Hanggang sa bigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanilang ariin naman ang lupain na ibinigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios, sa dako roon ng Jordan; kung magkagayon ay (A)babalik ang bawa't lalake sa inyo sa kaniyang pagaari, na aking ibinigay sa inyo.

21 (B)At aking iniutos kay Josue nang panahong yaon, na sinasabi, Nakita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ng Panginoon mong Dios sa dalawang haring ito; gayon ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng mga kahariang iyong daraanan.

22 Huwag kayong matakot sa kanila: sapagka't ipinakikipaglaban kayo (C)ng Panginoon ninyong Dios.

Read full chapter