Add parallel Print Page Options

Gayon din ibinigay ng Panginoon nating Dios sa ating kamay si Og, na hari sa Basan, at ang buong bayan niya; (A)at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya.

At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon; (B)walang bayan na di sinakop natin sa kanila; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og, sa Basan.

Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang-bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta.

Read full chapter