Add parallel Print Page Options

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit: tawagin mo si Josue, at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan (A)upang siya'y aking mapagbilinan. At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan.

15 (B)At ang Panginoon ay napakita sa Tolda, sa isang tila haliging ulap; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo.

16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay (C)matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba (D)sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at (E)ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.

Read full chapter