Add parallel Print Page Options

16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay (A)matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba (B)sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at (C)ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.

17 Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, (D)at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha (E)sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay (F)wala sa gitna natin?

18 At (G)ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.

Read full chapter