Deuteronomio 31:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, (A)at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha (B)sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay (C)wala sa gitna natin?
18 At (D)ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.
19 Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978