Add parallel Print Page Options

18 At (A)ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.

19 Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.

20 Sapagka't pagka sila'y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, na binubukalan ng gatas at pulot, at sila'y nakakain at nabusog (B)at tumaba; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios, at paglilingkuran nila, at ako'y lalabagin nila, at sisirain ang aking tipan.

Read full chapter