Add parallel Print Page Options

26 Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan (A)at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging (B)pinakasaksi laban sa iyo.

27 Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong (C)matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, (D)kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko?

28 Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, (E)at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.

Read full chapter