Add parallel Print Page Options

27 Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong (A)matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, (B)kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko?

28 Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, (C)at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.

29 Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, (D)kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, (E)upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.

Read full chapter