Font Size
Deuteronomio 31:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 31:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ang Diyos ninyong si Yahweh mismo ang mangunguna sa inyo. Pupuksain niya ang mga bansang daraanan ninyo upang mapasainyo ang lupain nila. Si Josue ang inyong magiging pinuno gaya ng sinabi ni Yahweh. 4 Ang(A) mga bansang iyon ay lilipulin ni Yahweh tulad ng ginawa niya sa mga haring Amoreo na sina Sihon at Og, at sa kani-kanilang kaharian. 5 Sila'y ipapabihag ni Yahweh sa inyo at gagawin naman ninyo sa kanila ang sinabi ko sa inyo.
Read full chapter