Font Size
Deuteronomio 31:9-11
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 31:9-11
Ang Biblia, 2001
Ang Batas ay Dapat Basahin Tuwing Ikapitong Taon
9 Isinulat ni Moises ang kautusang ito at ibinigay sa mga pari na mga anak ni Levi, na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matatanda sa Israel.
10 Iniutos(A) sa kanila ni Moises, “Sa katapusan ng bawat pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagpapalaya, sa Pista ng mga Tolda,
11 kapag ang buong Israel ay haharap sa Panginoon mong Diyos sa lugar na kanyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harapan ng buong Israel sa kanilang pandinig.
Read full chapter