Font Size
Deuteronomio 32:13-15
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 32:13-15
Ang Biblia (1978)
13 (A)Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa,
At siya'y kumain ng tubo sa bukid;
At kaniyang pinahitit ng (B)pulot na mula sa bato,
At ng langis na mula sa batong pinkian;
14 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa,
(C)Na may taba ng mga kordero,
At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing,
Na may taba ng mga butil ng trigo;
At (D)sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
15 Nguni't (E)tumaba si Jeshurun, at (F)tumutol:
(G)Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis:
Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya,
At niwalang kabuluhan ang (H)Bato na kaniyang kaligtasan.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978