Add parallel Print Page Options

19 “Nang makita ni Yahweh ang ginawa nilang ito, napuspos siya ng galit,
    poot niya'y nag-alimpuyo laban sa mga anak na inari niyang totoo.
20 ‘Kaya't ako'y lalayo,’ ang sabi niya,
‘Kanilang mga dalangin di na diringgin pa,
    tingnan ko lang ang kanilang sasapitin—
isang lahing suwail, mga anak na taksil.
21 Pinanibugho(A) nila ako sa mga diyos na hindi totoo,
    sa pagsamba sa kanila'y ginalit nila ako,
kaya't bayang hangal kahit hindi akin ay siyang gagamitin,
    upang aking bayan galitin at panibughuin.

Read full chapter