Font Size
Deuteronomio 32:35-37
Magandang Balita Biblia
Deuteronomio 32:35-37
Magandang Balita Biblia
35 Akin(A) ang paghihiganti, ako ang magpaparusa;
kanilang pagbagsak ay nalalapit na.
Araw ng kapahamakan sa kanila'y darating,
lubos na pagkawasak ay malapit ng sapitin.
36 Bibigyan(B) ng katarungan ni Yahweh ang kanyang bayan,
mga lingkod niyang hirang kanyang kahahabagan.
Kapag nakita niyang sila'y nanghihina,
at lakas nila'y unti-unting nawawala.
37 Pagkatapos itatanong ng Diyos sa kanyang bayan,
‘Nasaan ngayon ang inyong mga diyos,
tanggulang inyong pinagkatiwalaan?
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.