Font Size
Deuteronomio 32:41-43
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 32:41-43
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
41 Hahasain ko ang aking tabak na makinang
upang igawad ang aking katarungan.
Mga kaaway ko'y aking paghihigantihan,
at sisingilin ko ang sa aki'y nasusuklam.
42 Sa aking mga palaso dugo nila'y dadanak,
laman nila'y lalamunin nitong aking tabak;
hindi ko igagalang sinumang lumaban,
tiyak na mamamatay bilanggo ma't sugatan!’
43 “Mga(A) bansa, bayan ni Yahweh'y inyong papurihan,
mga pumapatay sa kanila'y kanyang pinaparusahan.
Ang kanilang mga kaaway kanyang ginagantihan,
at pinapatawad ang kasalanan ng kanyang bayan.”[a]
Footnotes
- 43 o “Magpuri kayong kasama niya, O kalangitan, luwalhatiin ninyo siya, mga anghel ng Diyos; ipaghihiganti niya ang kanyang mga lingkod, at dadalisayin ang lupain ng kanyang bayan.”