Add parallel Print Page Options

Nang binigyan ng Kataas-taasang Dios ang mga bansa ng lupain nila at nang pinagbukod-bukod niya ang mga mamamayan,
nilagyan niya sila ng hangganan ayon sa dami ng mga anghel ng Dios.[a]
Pinili rin ng Panginoon ang lahi ni Jacob bilang mamamayan niya.
10 Nakita niya sila sa disyerto, sa lugar na halos walang tumutubong pananim.
Binabantayan niya sila at iniingatan katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mata.

Read full chapter

Footnotes

  1. 32:8 mga anghel ng Dios: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Dead Sea Scrolls, mga anak ng Dios. Sa tekstong Masoretic, mga anak ni Israel.