Font Size
Deuteronomio 33:16-18
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 33:16-18
Ang Biblia (1978)
16 At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon,
At (A)ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy:
(B)Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran,
At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
17 (C)Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan;
At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro:
Siya niyang (D)ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa:
At (E)sila ang laksa-laksa ng Ephraim,
At sila ang libolibo ng Manases.
18 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi,
(F)Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas;
At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978