Font Size
Deuteronomio 33:17-19
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 33:17-19
Ang Biblia (1978)
17 (A)Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan;
At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro:
Siya niyang (B)ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa:
At (C)sila ang laksa-laksa ng Ephraim,
At sila ang libolibo ng Manases.
18 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi,
(D)Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas;
At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
19 (E)Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
Doo'y (F)maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran:
Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978