Add parallel Print Page Options

27 Ang walang hanggang Dios ay iyong (A)dakong tahanan,
At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig:
At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway,
At sinabi, Lansagin mo.
28 (B)At ang Israel ay tumatahang tiwala,
(C)Ang bukal ng Jacob na nagiisa,
Sa (D)isang lupain ng trigo at alak;
Oo't, ang kaniyang mga langit ay (E)nagbababa ng hamog.
29 Maginhawa ka, Oh Israel:
Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon,
(F)Ng kalasag na iyong tulong,
At siyang tabak ng iyong karangalan!
At ang iyong mga kaaway ay (G)susuko sa iyo:
At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.

Read full chapter