Deuteronomio 33:27-29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
27 Ang walang hanggang Dios ang inyong kanlungan;
palalakasin niya kayo sa pamamagitan ng walang hanggan niyang kapangyarihan.
Palalayasin niya ang inyong mga kaaway sa inyong harapan,
at iuutos niya sa inyo ang pagpapabagsak sa kanila.
28 Kaya mamumuhay ang Israel na malayo sa kapahamakan, sa lupaing sagana sa trigo at bagong katas ng ubas,
at kung saan ang hamog na mula sa langit ay nagbibigay ng tubig sa lupa.
29 Pinagpala kayo, mga mamamayan ng Israel!
Wala kayong katulad – isang bansa na iniligtas ng Panginoon.
Ang Panginoon ang mag-iingat at tutulong sa inyo,
at siya ang makikipaglaban para sa inyo.
Gagapang ang inyong mga kaaway papunta sa inyo, at tatapakan ninyo sila sa likod.”[a]
Footnotes
- 33:29 tatapakan ninyo sila sa likod: o, tatapak-tapakan ninyo ang kanilang mga sambahan sa matataas na lugar.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®