Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Juda
“O Panginoon, pakinggan po ninyo ang paghingi ng tulong ng lahi ni Juda.
Muli po ninyo silang isama sa ibang mga lahi ng Israel.
Protektahan at tulungan ninyo sila laban sa kanilang mga kaaway.”
Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Levi,
“O Panginoon, ibinigay po ninyo ang ‘Urim’ at ‘Thummim’[a] sa tapat ninyong mga lingkod na lahi ni Levi.
Sinubukan ninyo sila sa Masa at sinaway sa tabi ng tubig ng Meriba.
Nagpakita sila ng malaking katapatan sa inyo kaysa sa kanilang mga magulang, mga kapatid at mga anak.
Sinunod po nila ang inyong mga utos, at iningatan ang inyong kasunduan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 33:8 ‘Urim’ at ‘Thummim’: Dalawang bagay na ginagamit sa pag-alam ng kalooban ng Dios.