Font Size
Deuteronomio 34:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
Deuteronomio 34:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
34 At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad hanggang sa Dan,
2 At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda hanggang sa dagat kalunuran,
3 At ang Timugan at ang Kapatagan ng libis ng Jerico na bayan ng mga puno ng palma hanggang sa Soar.
Read full chapter
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)