Add parallel Print Page Options

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (A)Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: (B)aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni't hindi ka daraan doon.

Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.

At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't (C)sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.

Read full chapter