Deuteronomio 4:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Yaong (A)araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.
11 At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at (B)ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at salisalimuot na kadiliman.
12 (C)At ang Panginoo'y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; (D)inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni't (E)wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978