Add parallel Print Page Options

21 Bukod dito'y nagalit sa akin ang Panginoon dahil sa inyo, at sumumpa na ako'y hindi tatawid sa Jordan, at hindi ako papasok sa mabuting lupaing yaon, na ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyo na pinakamana:

22 (A)Kundi ako'y nararapat mamatay sa lupaing ito, (B)ako'y hindi nararapat tumawid sa Jordan: nguni't kayo'y tatawid, at inyong aariin (C)ang mabuting lupaing yaon.

23 Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at (D)kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.

Read full chapter