Font Size
Deuteronomio 4:41-43
Magandang Balita Biblia
Deuteronomio 4:41-43
Magandang Balita Biblia
Ang mga Lunsod-Kanlungan sa Silangan ng Jordan
41 Pagkatapos,(A) pumili si Moises ng tatlong lunsod sa kabila ng Jordan 42 upang maging kanlungan ng sinumang makapatay nang di sinasadya. Kapag ito'y nakapasok sa alinman sa mga lunsod na iyon, ligtas na ito sa paghihiganti ng mga kamag-anak ng namatay. 43 Ito ang mga lunsod na ibinukod niya: ang Bezer sa mataas na kapatagan sa ilang para sa lipi ni Ruben; ang Ramot sa Gilead para sa lipi ni Gad, at ang Golan sa Bashan para sa lipi ni Manases.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.