Font Size
Deuteronomio 4:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 4:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Aling bansa ang may makatarungang tuntunin at kautusan tulad ng ibinigay ko sa inyo ngayon? 9 Ngunit mag-ingat kayo. Huwag ninyong kakalimutan o babaliwalain ang mga bagay na inyong nasaksihan, habang kayo'y nabubuhay. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo. 10 Huwag ninyong kalilimutan ang sinabi ni Yahweh nang kayo'y nasa harap ng Bundok ng Sinai:[a] ‘Tipunin mo sa harapan ko ang buong bayan. Ituturo ko sa kanila ang aking mga utos upang magkaroon sila ng takot sa akin habang sila'y nabubuhay; ituturo naman nila ito sa kanilang mga anak.’
Read full chapterFootnotes
- 10 Bundok ng Sinai: o kaya'y Bundok ng Horeb .