Font Size
Deuteronomio 5:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 5:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Sampung Utos(A)
5 Tinipon ni Moises ang buong Israel at kanyang sinabi, “Bayang Israel, dinggin ninyo ang kautusan at ang mga tuntuning ibibigay ko sa inyo ngayon. Unawain ninyong mabuti at tuparin ang mga ito. 2 Ang Diyos nating si Yahweh ay gumawa ng kasunduan sa atin sa Bundok ng Sinai,[a] 3 hindi sa ating mga ninuno kundi sa ating nabubuhay ngayon.
Read full chapterFootnotes
- 2 Bundok ng Sinai: o kaya'y Bundok ng Horeb .