Add parallel Print Page Options

para kayo at ang mga anak at mga apo ninyo ay gumalang sa Panginoon na inyong Dios habang nabubuhay kayo. Kung susundin ninyo ang lahat ng utos niya at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, mabubuhay kayo nang matagal. Makinig kayo, O mamamayan ng Israel, at sundin ninyo ang kanyang mga utos para maging mabuti ang inyong kalagayan at upang lalo pa kayong dumami sa maganda at masaganang lupain,[a] ayon sa ipinangako ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno.

“Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:3 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.
  2. 6:4 Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang: o, Ang Panginoon na ating Dios, siya lang ang Panginoon.