Add parallel Print Page Options

Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: (A)ang tapat na Dios, na (B)nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;

10 At (C)pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: (D)siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.

11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.

Read full chapter