Add parallel Print Page Options

Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawalan ng lakas ang iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata. Alalahanin mo nga siya bago dumating ang panahon na sarado na ang mga pintuan at tumigil na ang tunog ng gilingan; bago dumating ang panahon na madali kang magising sa himig ng mga ibon, o ang tunog ng awitin ay tuluyan ng tumigil.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 12:4 Ang tekstong Hebreo ay maaaring tumutukoy sa panahon ng kamatayan at paglilibing, o kaya'y sa panahon na ang tao'y hindi na masyadong makarinig.