Add parallel Print Page Options

Sino ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw,
    o sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?
    Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?
4-5 Bago pa likhain ang alinmang nilalang, nalikha na ang Karunungan,
    at ang tunay na pagkaunawa, bago pa nagsimula ang mga panahon.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4-5 Bago pa…panahon: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Ang Karunungan ay nagmula sa salita ng Diyos sa kataas-taasang langit, at ang kanyang mga aral ay batas na walang hanggan .