Font Size
                  
                
              
            
Ecclesiastico 11:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 11:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pag-iingat
7 Magsuri ka muna bago ka humatol,
    at isipin mo muna bago ka magmatuwid.
8 Makinig ka muna bago ka sumagot,
    at huwag kang sumabad hangga't hindi natatapos ang nagsasalita.
9 Huwag kang makipagtalo tungkol sa mga bagay na wala ka namang kinalaman,
    at huwag kang makikialam sa pagpapasya ng mga makasalanan.