Font Size
Ecclesiastico 15:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 15:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Kung may paggalang ka sa Panginoon, ito ang gagawin mo:
Magpapakadalubhasa ka sa Kautusan, upang makamtan mo ang Karunungan.
2 Sasalubungin ka niya, tulad ng isang ina,
paglilingkuran ka, gaya ng asawang bagong kasal.
3 Dudulutan ka niya ng karunungan at kaalaman,
na parang masarap na pagkain at inumin.