Font Size
Ecclesiastico 16:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 16:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14-16 Pinagpapala niya ang bawat gumagawa ng mabuti,
at ginagantihan ang bawat isa ayon sa nararapat sa kanya.[a]
17 Huwag mong sabihing, “Magtatago ako sa Panginoon!
Sino ba sa sangkalangitan ang makakaalala sa akin?
Sino ang makakapansin sa akin sa karamihan ng mga tao?
Ang mga nilikha ay lubhang napakarami, ano ang kabuluhan ko?
18 Ang alapaap at ang langit sa itaas nito,
ang mga karagatan sa palibot ng lupa, at ang sangkalupaan, tiyak na manginginig pagdating ng Panginoon.[b]
Footnotes
- 14-16 at ginagantihan…kanya: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Niloob ng Panginoon na ang Faraon ay magmatigas laban sa kanya, nang sa gayo'y mabantog sa buong daigdig ang kanyang kahanga-hangang kapangyarihan. Ipinadadama ng Panginoon ang kanyang habag sa sandaigdigan; at hinati niya ang dilim at liwanag nang tamang-tama .
- 18 pagdating ng Panginoon: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Ang buong sanlibutan—sa panahong nakalipas hanggang sa kasalukuyan—ay nakabatay sa kanyang kalooban .