Add parallel Print Page Options

Hindi mo sila maipagmamalaki gaano man sila karami,
    kung sila'y walang takot sa Panginoon.
Huwag mong aasahan ang kanilang bilang,
    at huwag kang mananalig na hahaba ang kanilang buhay.
Kung minsa'y mabuti pa ang iisang anak kaysa sanlibo,[a]
    o mamatay na walang anak kaysa magkaroon ng marami ngunit masasama.
Ang isang malaking bayan ay maaaring magmula sa isang mabuting tao,
    ngunit tuluyang malilipol ang isang lahi kung sila'y masasama.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3 mabuti pa ang iisang anak kaysa sanlibo: Ganito ang nasa tekstong Griego. Sa tekstong Hebreo ay mabuti pa ang iisang anak na masunurin sa kalooban ng Panginoon kaysa isang libong ayaw namang sumunod .