Add parallel Print Page Options

12 Nakikita at nauunawaan niya ang kahabag-habag nilang wakas;
    dahil dito'y lalo niyang dinadagdagan ang kanyang pagpapatawad.
13 Ang pagkahabag ng tao ay para sa kanyang kapwa lamang,
    ngunit kinaaawaan ng Panginoon ang lahat ng may buhay.
Inaakay niya sila sa tumpak na landas, itinutuwid ang kamalian, sinusupil kung kailangan,
    tinuturuan, at ibinabalik kapag naliligaw, gaya ng ginagawa ng pastol sa kanyang kawan.
14 Kinahahabagan niya ang tumatanggap ng pangaral
    at nagsisikap makatupad ng kanyang mga utos.

Read full chapter